iamnoreen
Welcome to My Blog!
Welcome to my Blog!
Enjoy!Hope you'll like the posts!
Monday, July 16, 2012
IBONG MALAYA
IBONG MALAYA
by: Noreen M. Batuhan
Sa isang bukirin sa bandang Visayas sa Pilipinas makikita ang magkababatang si Efren at Marga. Sabay silang lumaki sa lugar kaya’t nasanay na sila na parating kasama ang isa’t isa. ANg iniisip na nga rin ng kanilang mga magulang ay silang dalawa na ang magkaibigan pagdating ng araw.
Marga: Balang araw magkakaroon din ako ng ganito kagarang bahay. Haaay. Parang ang sarap sarap tumira dito. Buhay prinsesa.
Efren: Asa ka pa. Hanggang bukid ka na lang no. Taas ng pangarap mo!
Marga: Aba! Ano naman bang masama sa pangarap kong ito. Makikita mo magiging Donya rin ako sa isang malaking mansion.
Efren: Sige. Sabi mo eh.
Marga: Efren, hindi ka ba nagsasawa sa buhay dito? Buong buhay na lang ba tayo magtatanim?
Efren: Bakit? Anong problema sa pagtatanim? Tayo kaya ang nagsusuplay ng mga pagkain sa bayan at mga lungsod. Kung wala tayo walang kakaining sariwang gulay yang mga mayayaman nay an. Saka napakarangal ng trabahong ito.
Marga: Alam mo ba ang pangarap ko? Nais kong maging tulad ng isang ibon. Malaya sa paglipad. Malaya makapunta sa iba;t ibang lugar. Malaya akong gawin ang mga nais ko. Basta ba’y ipapagaspas ko lang ang mga pakpak ko ng maayos at makarating sa tamang lugar.
Efren: Mas maganda siguro kung puno na lang. Kung nasaan ka doon ka na lang. Hindi ka pa mahihirapan na hanapin ang sarili mo at lumipad. Doon sa lugar lang kung saan ka nakatanim ka nabuhay at doon ka na rin mamamatay. Simple lang ang buhay. Nasapaligd mo na kasi ang mga pangunahing kailangan mo.
Aling Carmen: Marga, anak tara na’t mag meryenda isama mo na si Efren.
Marga: Ewan ko saiyo Efren. Kainis ka. Imbis na palakasin mo ang loob ko sa pangarap ko.
(Umalis si Marga. Dumating naman si Simeon at kinausap ang binata)
Simeon: Hindi mo mapipigilan ang kaibigan mo sa kanyang pangarap. Ayaw mo bang magtagumpay siya sa buhay niya.
Efren: Hindi naman sa tutol ako sa nais niya. Ang sa akin lang bakit kailangan niya pang umalis dito sa atin at makipagsapalaran sa magulong lungsod. Hindi na ba iya kuntento sa buhay natin dito? Masaya naman diba kuya?
Simeon: Yan lang ba yon?
Efren: Oo. Bakit meron pa ba dapat?
Simeon: ALam ko Efren kaya mo siya pinipigilan dahil takot ka ng maiwan, Ayaw mo ng maulit ang pag iwan satin ni itay at inay. Pero hindi mo hawak ang buhay ni Marga.
Naiwang tahimik si Efren sa mga sinabi ng kuya. Totoo naman kasi ang lahat ng iyon. Iniwan kasi sila ng mga magulang nila para mag trabaho sa bayan at hindi na nakabalik pa. Sa nanay na lang ni Marga na si Aling Carmen sila nannirahan.
(SA KUBO)
Aling Carmen: Dumating na pala si Donya Michelle diyan sa mansyon. Kasama niya ata ang mga anak niya.
Simeon: Tiya Carmen hindi ba siya yung babaeng gusto bumili ng lupa natin?
Aling: Oo Simeon. Sna lang wala na silang interes sa lupa natin.
Efren: Yung babaeng yon! Subukan niya lang pumunta sa lupa natin sasalubungin ko na agad siya ng itak. Hindi niya tayo mapipilit na ipagbali tong lupa natin.
Aling Carmen: Haha. Tama ka Efren. Patatayuan lang naman nila ito ng mga subdivision.
Marga: Haaay. Ang swerte talaga ng mga anak ni Donya Michele ano? Ang gagara ng mga damit. Siguro sa pribadong paaralan pa nag aaral yang mga yan.
Efren: Ha?? Pano naman tayo napunta sa anak niya?
Hindi pala nakikinig si Marga sa pinaguusapan ng nanay kanina. Nakatitig lang siya sa mansyon na tanaw mula sa bukid nila. Hindi nila namalayan na paparating na pala ang Donya sa lugar nila.
Simeon: Anong ginagawa niyo rito?
Joana: Huwag kayong mag-alala bumibisita lang naman kami no.
Edgar: Hindi na kami pumunta rito para pagpilitang bilhin tong kapirasong lupa niyo. Diba mama?
Donya Michelle: We’ve come here for peace. Nais lang naman naming siguruhin na malapit ng kunin ng bangko itong lupang ito.
Carmen: Kunin ng bangko? Anong ibig nyong sabhin?
Efren: Pano naman kukunin ng bangko ito? Hindi naman kanila ito ah. Amin ito.
Joana: Kawawa naman pala kayo. Wala kayong kaalam alam na mawawala na itong lupang ito sa inyo. Wala pa kayong makukuha.
Donya Michelle: Pero may maganda rin naman kaming balita. Edgar sabihin mo sa kanila.
Edgar; Yes mother ! SI Marga kasi. Kilala sa paaralan nila at isa sa mga nangunguna sa klase. Atsaka gusto namin na isali ka sa scholarship program namin.
Marga: A-ako?? A-ako ba yun?
Joana: OO naman no.! Ano payag ka na?
Efren: Hindi siya sasali!
Mich: Bakit naman ikaw ang nagpapasya?
Edgar: Oo nga ! ano mo ba siya?
Efren: W-wala. Basta hindi niya tatanggapin yang alok niyo!
Marga: Sino ka para pangunahan ako? Ikaw ba magdedesisyon para sa akin? Ang galing mo naman! Dinaig mo ang nanay ko!
Efren: Pero Marga.
Marga: Nay? Pwde ko ho bang tanggapin?? Please?
Carmen: Kung iyan ang gusto mo wala akong magagwa!
Marga: YEHEY! Haha!! Sabi ko saiyo Efren magiging mayaman din ako.
Hindi na lang nakaimik si Efren. Pero baka pa rin sa mukha niya ang pagkadismaya.
Mich: Magaling. Pero Marga kailangan mong sa lungsod tumira. Para malapit lang sa paaralan. Huwag kang mag-alala ako ang bahala sa gastusin.
Lungkot na lungkot si Efren. Pakiramdam niya kasi nauulit na naman ang nangyari sa kanila noon. Subalit hindi niya ito mapigilan. Ayaw niya rin kasing magalit ito sa kanya.
DI nagtagal umalis na sa buid si Marga para tumungo sa lungsod. Hindi alam ni Efren kung kalian ito babalik.
Marga: Hoy Efren ! Baka kalimutan mo ko ah !!!!!!! Babalik din ako ! Pagbalik ko mayaman na ako!
Efren: Sige. Iguraduhin mo lang,
Marga:Nay, alis na po ako. Susulat na ang po ako.
Carmen: Sige, Mag-ingat ka roon ah.
Makalipas ng 7 taon. Walang balita si Efren kay Marga. Hindi siya sumusulat. Nawalan na siya ng pag-asa na babalik pa ito.
Simeon: Lalim ng iniisip ah.
Efren: Kaarawan niya ngayon
Simeon: Puntahan mo doon sa loob si Tiya Carmen.
Sinunod naman ito ni Efren.
Efren: Tiya Carmen? Umiiyak ka po?
May inabot sa kanyang sulat ang umiiyak na babae.
Dear Inay,
Nay. Ang hirap po ng buhay dito sa Maynila. Ang hirap ngtrabaho ng isang nurse. Parati akong puyat. Sayang inay no? Hindi ako makauwe sa kaarawan ko. Hindi pa kasi tapos bayaran ang utang natin kay Donya Michelle eh. Pero malapit na naman po. Kaunting tiis na lang.
Namimissko na po kayo. Yung Bukid natin. Yng Sariwang hangin. Dito kasi puro usok ng sasakyan. Si Kuya Simeon pati si Efren miss ko na rin.
Siya nga pop ala, huwag niyo ulit sabhin kay Efren ito ah. Baka asarin ako nun eh. Wala pa rin kasi yung pinangako ko sa kanya na mansyon ko. Pakisabi rin po na ang pangarap kong magng ibon ay natupad subalit nagkataon lang na mayroong nakahuli sa ibong ito’t nabilanggo. Pero huwag siyang mag-alala dahil kaunit na lang makakalaya na ako. At sana sa pagbalik ng ibong ito nadoon pa rin ang isang puno na may simpleng pamumuhay, wlang gaanong paghahangad.
Yun lang po ! Bye po ! I Love You!
Nagmamahal,
Marga
Carmen: Nangutang si Marga kay Donya Michelle ng malaking halaga upang mabayaran natin iitong lupa galing sa bangko. Kaya hindi ito nakuah sa atin. Si Marga rin ang nagbabayad nito. Kaya hindi siya makauwe dahil hindi pa niya tapos bayaran. Kawawa naman ang anak ako.
*WAKAS*
No comments:
Post a Comment
Newer Post
Older Post
Home
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Blog Archive
▼
2012
(2)
►
August
(1)
▼
July
(1)
IBONG MALAYA
►
2011
(1)
►
February
(1)
►
2010
(6)
►
December
(3)
►
November
(3)
No comments:
Post a Comment